Ako Ay Alien

Wednesday, June 17, 2009 comments

Sa lalim ng gabi at habang ang aking tatay ay parang nagtotorotot sa pagtulog napaisip ako kung kailan ba talaga ako uuwi sa tunay kong tirahan. Hindi kasi ako taga dito sa planetang ito. Makikita niyo ko na kagaya niyo o nila pero hindi talaga ako taga dito.


Sabi ng nanay ko ako daw ay pilipino dahil pinanganak ako at lumaki sa pilipinas. Oo, pinanganak at lumaki ako sa pilipinas ngunit hindi ako tunay na pilipino. Hindi dahil ayaw kong maging pilipino o tawaging pilipino. May dahilan ako kaya nasabi ko na hindi ako tunay na pilipino.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng aking kaibigan. "Kung nasaan ang bahay mo doon ka nakatira at nandoon ang iyong titulo." dito ang bahay ko sa taguig. Dito din ako pansamantalang nakatira. Kasama ang aking pamilya. Ang aking nanay, tatay at mga kapatid. Kahit dito ako naninirahan sa ngayon masasabi ko pa din na hindi ako tunay na "Philippine citizen"

Isa akong alien. Hindi ako dito nakitira at pansamantalan nananatili dito sa mundo dahil sa misyon. Ang aking misyon ay hindi ang iniisip mo. Hindi ang lipunin lahat ng tao sa mundo. Ang aking misyon ay para tulungan ang mga katulad ko sa paglaganap ng mensahe ng aking Amo. Oo, isa akong alipin ngunit malayang alipin na pwedeng gawin ano man ang gustuhin.

Hindi lang ako nagiisa marami kami ngunit yung iba nahahawa na sa mundo. Basta ako mananatili ako sa aking misyon. Hindi ako tutulad sa takbo ng mundong ito. Dahil alam kong dadating ang panahon na uuwi na din ako sa aking tunay na tahanan. Ang lugar na punong puno ng ginto. Kalsada, pader, pinto at kahit ano ay ginto. Walang gutom at walang uhaw. Walang gulo at walang away. Walang lungot, puro saya. Wala takot at wala kaba. Lahat magkakilala, lahat magkaibigan. Yan ang aking tunay na tahanan.

Hindi ako pilipino sa dugo. Hindi ako amerikano sa dugo. Hindi ako espanyol sa dugo. Hindi ako hapon sa dugo. Isa akong Kristiyano, Kristiyano sa dugo at puso. Si Hesus ang aking Amo. Si Hesus ang aking Diyos. Siya ang aking Ama. Siya ang aking tagapagligtas. HINDI AKO TAGA DITO SA LUPA TAGA LANGIT AKO!

Philippians 3:20, our citizenship is in heaven, and from it we await a Savior, the Lord Jesus Christ.

comments

Post a Comment