Ang pisikal na sakit ay tungkol sakit sa katawan.
Ang mental na sakit nama'y sa pagiisip.
Ang ispirtuwal na sakit nama'y sa ating ispiritu.
At ang emosyonal na sakit nama'y sa emosyon.
Ang pisikal na sakit maaaring sugat na resulta ng iyong pagkadapa. Maaari din na pantal dahil kinagat ng langam. Pwede din naman dahil sa sakit sa bato kaya kailangan operahan. Yan ay mga halimbawa lamang marami pang pisikal na sakit. Ang lahat ng iyon ay nagiiwan ng sugat na nagiging peklat. Peklat sa balat o peklat sa isipan.
Ang mental na sakit ay maaaring kawalan ng tamang pagiisip, sobrang pagod sa pagiisip o maski ang pagiisip ng mali. Isa to sa sakit na mahirap gamutin. Ang sakit na ito ay nagiiwan ng sugat na nagiging peklat. Peklat na mahirap tanggalin.
Halimbawa ng ispirituwal na sakit ay ang paglamig ng pagmamahal mo sa Diyos. Ang pagkababa ng tingin mo sa koneksyon mo kay Jesus. Ang hindi pagbabasa ng Bibliya araw-araw. Ang hindi pagdasal araw-araw. Lahat ng ito'y bunga ng hindi pagtuon ng mata sa Diyos. Ito din ay nagiiwan ng napakalalim na sugat at peklat na mahirap mawala.
Ang huli ay ang emosyonal na sakit. Isa dito ay ang masaktan dahil nabigo sa pag-ibig. O ang hindi pagmahal sa ating ng kapwa natin. Maaari ding dahil nawalan ng minamahal. Marami pang sakit pang-emosyonal at lahat ng iyo'y nagtatatak ng sugat at peklat sa ating puso.
Lahat tayo may sakit siguro pisikal na sakit o hindi kaya'y mental na sakit o kaya nama'y ispirtuwal na sakit o emosyonal na sakit na nalagay ng sugat at nagiwan ng peklat sa atin. Maraming nakakaisip na pumunta sa dermatologist para mawala ang peklat pero pano kung peklat na resulta ng sakit ng mental, ispirtuwal o emosyonal?
Isa lamang ang naiisip kong makakatanggal ng mga peklat na ito. Hindi sebo de macho o si Vicky Belo kundi si Hesu Kristo na kayang gamutin at tanggalin lahat ng sakit na ating naramdaman at peklat na sa atin ay iniwan. Kaya nga tinawag si Hesus na dakilang manggagamot dahil kaya niyang gamuting ang lahat ng sakit at dahil siya ang Diyos ng langit at lupa.
Kaya't kung ika'y may sakit o peklat na nais malimutan lumapit lang kay Hesus at ika'y gagaling.
Sakit
Tuesday, June 16, 2009
comments
at
11:53 PM


comments
Post a Comment